Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Roque na ‘hindi nagbigay ng testimonya’ si Duterte laban kay De Lima KULANG SA KONTEKSTO

WHAT WAS CLAIMED

Former president Rodrigo Duterte neither filed a complaint nor testified in the drug case against former senator Leila De Lima.

OUR VERDICT

Needs context:

While Duterte did not appear in court to charge or testify in the drug case against De Lima, he made public statements accusing the former senator of involvement in the illegal drug trading inside the national penitentiary.

By VERA Files

Nov 18, 2023

1-minute read
ifcn badge

Share This Article

:
VERA FILES FACT CHECK ANG TOTOO: Kulang sa konteksto ang pahayag ni Roque na hindi naghain ng anumang reklamo o testimonya si dating pangulong Rodrigo Duterte laban kay Leila De Lima. Bagama't walang opisyal na testimonya si Duterte sa korte, nagbitiw siya ng mga pahayag na inaakusahan ang dating senador na sangkot sa illegal drug trading noong kalihim sya ng DOJ.

Sabi ni Harry Roque, hindi kailanman naghain ng reklamo o testimonya si dating pangulong Rodrigo Duterte laban kay Leila De Lima, na nakulong dahil sangkot umano ang dating senador sa illegal drug trading sa loob ng New Bilibid Prison. Kulang ito sa konteksto.

Sinagot ni Roque, dating tagapagsalita ni Duterte, ang mga panawagan na parusahan ang “nasa likod” ng pagkabilanggo ni De Lima nang halos pitong taon.

Nakalaya si De Lima noong Nob. 13 matapos siyang payagan ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206 na magpiyansa sa natitira niyang drug case.

(See Free at last!)

Panoorin ang VERA Files Fact Check:

 

 

 

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.