VERA[a][b][c] FILES FACT[d] CHECK: ‘Bato’ Dela Rosa sinasalungat ang mga pahayag ni Duterte sa ‘pagpatay sa mga komunista’
Claim Review
Pahayag: Sinabi ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na figure of speech ang ginamit ni dating pangulong Rodrigo Duterte nang magbanta itong papatayin si ACT Party-list Rep. France Castro, na walang basehang inakusahan nito na isa sa mga komunista sa Kongreso.
Rating: Mali
Paliwanag ng Rating: Ang pahayag ni Dela Rosa ay sumasalungat sa mga nakaraang pahayag ni Duterte tungkol sa kanyang maliwanag na patakarang "kill, kill, kill" sa mga umano'y komunista at mga drug suspect.
***
Sa isang panayam sa telepono ng mga mamamahayag sa Senado noong Oktubre 13, pinabulaanan ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ang mga alegasyon na pinagbabantaan ni dating pangulong Rodrigo Duterte si ACT Party-list Rep. France Castro, na walang basehang inakusahan ni Duterte bilang isang “komunista” sa Kongreso na "gusto niyang patayin."
Ang paliwanag ni Dela Rosa sa pahayag ni Duterte ay sumasalungat sa mga nakaraang pahayag ng dating pangulo. Panoorin ito:
Insert video[e]
#
Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)
Mga Pinagmulan
SMNI, Gikan sa Masa, Para sa Masa, Oct. 10, 2023
ABS-CBN News, Headstart | ANC (18 July 2022), July 18, 2022
RTVMalacañang, Ceremonial Send-Off of Vietnamese Fishermen (Speech)11/29/2017, Nov. 29, 2017
RTVMalacañang, Merienda for Former Rebels (Feb. 7, 2018) , Feb. 7, 2018
[a]Keyword tags: Bato Dela Rosa,Rodrigo Duterte,France Castro,communist
[b]Metadata: Sen. “Bato” Dela Rosa belied allegations that former president Rodrigo Duterte was threatening ACT Party-list Rep. France Castro, whom Duterte baselessly accused as a “communist” in Congress that “he wanted to kill.”
[c]Thumbnail for web:https://drive.google.com/file/d/1_fTjrkv6IvsJEWA4AFpW6MKvJ-Mrs2qf/view?usp=sharing
Thumbnail for video:https://drive.google.com/file/d/1yl4arjHOYrfY1mz3-IBvX2DnuszZpGFs/view?usp=sharing
[d]ClaimReview
Claim: Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa says former president Rodrigo Duterte used figure of speech when he threatened to kill ACT Party-list Rep. France Castro, whom the former baselessly accused as one of the communists in Congress.
Rating: False
Rating Explanation: Dela Rosa’s statement runs counter to Duterte’s past pronouncements about his apparent “kill, kill, kill” policy involving alleged communists and drug suspects.
[e]https://drive.google.com/file/d/1HJJ2cSrlp_v9v660qC_K72Ko2xae9J0H/view