Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: Pahayag ni Imee Marcos na Kabataang Barangay founder at chair siya HINDI TOTOO

WHAT WAS CLAIMED

Sinasabi ni Sen. Imee Marcos na siya ang tagapagtatag at tagapangulo ng Kabataang Barangay mula 1975 hanggang 1986.

OUR VERDICT

Hindi totoo:

Si Imee Marcos ay 19 taong gulang, lampas sa maximum na limitasyon sa edad na 18, noong 1975 nang nilikha ng kanyang ama, si dating pangulong Ferdinand Marcos Sr., ang KB sa pamamagitan ng paglagda sa napawalang bisa nang Presidential Decree 684.
Ipinakikita ng mga dokumento, gayunpaman, na ang pinamunuan ni Imee ay ang KB Foundation, na unang binanggit sa P.D. 1191 na nilagdaan ni Marcos Sr. noong Set. 1, 1977. Walang opisyal na dokumento ang nagpapakilala sa kanya bilang tagapagtatag o pambansang tagapangulo ng KB.

By VERA Files

Nov 1, 2024

4-minute read

Translate

ifcn badge

Share This Article

:

Editor’s Note: This is a sample entry for corrections to test the ordering

Sinabi ni Sen. Imee Marcos na siya ang nagtatag ng Kabataang Barangay (KB) at tagapangulo nito mula 1975 hanggang 1986. Ito ay hindi totoo.

Nang itatag ang KB noong 1975 sa pamamagitan ng isang presidential decree na nilagdaan ng kanyang ama, si Ferdinand Marcos Sr., ang senador ay lampas na sa maximum na limitasyon sa edad na 18 para sa mga miyembro ng KB.

Ayon sa mga dokumento, ang pinamunuan ni Imee ay ang KB Foundation, na unang binanggit sa Presidential Decree (PD) 1191 na inilabas ni Marcos Sr. noong 1977 “upang i-streamline at palakasin ang istruktura ng organisasyon” ng KB. Ito ay “pinahintulutan na mangasiwa ng mga pondo ng pamahalaan.”

PAHAYAG

Bahagi ng talambuhay ni Sen. Marcos sa kanyang opisyal na website ay nagsasaad:

“Since 1975 to 1986 she chaired the Kabataang Barangay, a village youth organization that provided platforms and opportunities for young Filipinos to engage in nation-building.”

(“Mula noong 1975 hanggang 1986 pinamunuan niya ang Kabataang Barangay, isang village youth organization na nagbibigay ng mga plataporma at pagkakataon para sa mga kabataang Pilipino na makisali sa nation-building.“)

Bilang karagdagan, sa isang video na nai-post sa kanyang opisyal na Facebook page sinabi niya:

Mula sa pagiging founder ng Kabataang Barangay, dinala ako ng aking karanasan sa Senado.”

Pinagmulan: Imee Marcos official Facebook page, Barangay and Sangguniang Kabataan Elections video, Okt. 20, 2023, panoorin mula 0:13 hanggang 0:20

ANG KATOTOHANAN

Nilikha ni Marcos Sr. ang KB sa pamamagitan ng paglagda sa napawalang bisa nang PD 684, na may petsang Abril 15, 1975. Itinakda ng Section 4 ng kautusan na ang KB “ay bubuuin ng mga residente ng barangay na hindi bababa sa 15 taong gulang o higit pa ngunit hindi lalampas ng 18.” Si Imee ay 19 taong gulang na noon.

image1.jpg

Ipinakikita ng mga dokumento, gayunpaman, na ang pinamunuan ni Imee ay ang KB Foundation, na unang binanggit sa PD 1191 na nilagdaan ni Marcos Sr. noong Set. 1, 1977.

Ang KB ang pinag-ugatan ng Sangguniang Kabataan, isang konseho sa komunidad na kumakatawan sa mga kabataan sa bawat barangay sa bansa.

BACKSTORY

Noong 1976, bumagsak si Imee sa kanyang mga klase sa Princeton University at bumalik sa Maynila. Noong Mayo 15 ng parehong taon, naglabas si Marcos Sr. ng PD 935, na sinuspinde ang maximum na limitasyon sa edad na 18 para sa mga opisyal at miyembro ng KB. Si Imee ay 20 taong gulang na noon.

Imee then took non-degree courses at the University of the Philippines (UP). An article in the official publication of UP Diliman, the Philippine Collegian, showed her wearing a KB T-shirt, apparently her first public appearance showing her affiliation with KB.

Pagkatapos ay kumuha si Imee ng mga non-degree na kurso sa University of the Philippines (UP). Isang artikulo sa opisyal na publikasyon ng UP Diliman, ang Philippine Collegian, ang nagpakita sa kanya na nakasuot ng KB T-shirt, tila ang kanyang unang pampublikong pagpapakita ng kanyang kaugnayan sa KB.

Noong Peb. 1977, nilagdaan ni Marcos Sr. ang PD 1102, na binago ang age bracket para sa mga miyembro ng KB sa “21 taong gulang o mas mababa.” Si Imee ay 21 taong gulang noon.

Nakasaas sa isang declassified na dokumento noong Setyembre 1977 mula sa State Department, ang katapat ng Department of Foreign Affairs ng Pilipinas sa US, na “pinalitan” ni Imee Marcos ang isang “batang Pilipino na national president ng Kabataang Barangay.”

Miguel Paolo Reyes, research associate at the UP’s Third World Studies Center, wrote in an article exclusive to VERA Files, “Reliable sources show clearly why it has never been entirely factual to state that Imee was the chairman of the KB national organization—she chaired what was called the Kabataang Barangay Foundation, Inc.”

Isinulat ni Miguel Paolo Reyes, research associate sa Third World Studies Center ng UP, sa isang artikulong eksklusibo sa VERA Files, “Malinaw na ipinapakita ng mga mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng impormasyon kung bakit hindi kailanman naging ganap na makatotohanan ang pagsasabi na si Imee ang chairman ng pambansang organisasyon ng KB—siya ang tagapangulo nang tinawag na Kabataang Barangay Foundation, Inc.”

Itinatag ng PD 1191 ang Pambansang Katipunan ng mga Kabataang Barangay ng Pilipinas (PKKB). Ang layunin nito ay “i-streamline at palakasin ang istruktura ng organisasyon” ng KB.

Ang KB Foundation, sa kabilang banda, ay “pinahintulutan na mangasiwa ng mga pondo ng gobyerno.”

Sinabi rin ni Reyes na binigyan ni Marcos Sr. ng karagdagang kapangyarihan ang kanyang anak, bilang tagapangulo ng KB Foundation, sa pamamagitan ng EO no. 887, s. 1983, na ginawang pinuno si Imee ng Philippine Commission for International Youth. Sa programa para sa 1985 International Youth Year, kinilala siya bilang tagapangulo ng KB Foundation.


May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).


(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.