Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: Si Duterte ay 79, hindi 73 taong gulang

WHAT WAS CLAIMED

Sinabi ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa isang Senate subcommittee na siya ay 73 taong gulang at hindi matandaan ang mga pangalan ng pitong tao sa kanyang death squad.

OUR VERDICT

Hindi totoo:

Si Duterte ay 79 taong gulang, hindi 73. Siya ay ipinanganak noong Marso 28, 1945.

By VERA Files

Oct 30, 2024

1-minute read

Translate

ifcn badge

Share This Article

:

Editor’s Note: Test for corrections list

PAHAYAG

Sen. Risa Hontiveros: Ano po yung structure ng organization na iyon?

Rodrigo Duterte: Against criminals.

Hontiveros: Hindi po, ‘yun ‘yung task siguro na binigay ninyo, pero anong structure ng death squad na iyon?

Duterte: Structure against crime and criminals.

Hontiveros: Ibig sabihin ano po ‘yung setup, at sino ‘yung pitong ‘yun na miyembro ng death squad?

Duterte: To fight crime.

Hontiveros: No, Sir, ‘yung pangalan nu’ng sabi niyo pitong tao na nasa death squad niyo.

Duterte: Mukhang patay na nga sila lahat noon.

Hontiveros: It’s okay, sir, ano pong mga pangalan nila?

Duterte: You know, I was mayor 43, I am now 73, for the life of me, I cannot remember the name.

Hontiveros: Ano po ‘yung structure ng pitong ‘yun? Meron bang team leader, may 2 tenyente? Then, may apat pa na tao, ano po ‘yung structure ng organization na iyon?

Duterte: I said I am 73 years old, hindi ko nga alam kung bakit andito ako kaharap mo.

Pinagmulan: Senate of the Philippines, Blue Ribbon Committee (Subcommittee on the Philippine War on Illegal Drugs), Okt. 28, 2024, panoorin mula 5:13:03 hanggang 5:14:15

ANG KATOTOHANAN

Si Rodrigo Duterte ay 79 taong gulang. Ipinanganak siya noong Marso 28, 1945.

 

 


May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).


(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.