VERA FILES FACT CHECK: Tono ni Sara Duterte sa isyu ng confidential funds nagbago
Sinabi ni Vice President Sara Duterte noong Nobyembre 9 na hindi na niya ipipilit ang panukalang P650-million na confidential funds sa 2024 national budget para sa Office of the Vice President at Department of Education (DepEd) dahil nagiging sanhi daw ng pagkakawatak-watak ang isyu.