Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: PEKENG patotoo ng pari, ginamit para mag-endorso ng “gamot” sa diabetes

WHAT WAS CLAIMED

Inendorso ni Father Jerry Orbos ang Glufarelin, isang FDA-approved na milk supplement laban sa diabetes

OUR VERDICT

Peke:

Peke ang testimonial umano na ginawa ni Fr. Jerry Orbos para sa Glufarelin. Pinabulaanan ni Orbos ang kumakalat ng testimonial. Hindi rin rehistrado sa Food and Drug Administration ang nasabing produkto.

By VERA FILES

Jan 22, 2024

3-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

May dalawang Facebook post na ipinakakalat ang patotoo raw ng isang pari tungkol sa isang brand ng gatas na epektibo sa “paggamot” sa diabetes. Peke ito.

Ang pekeng patotoo ay may mahabang pag-eendorsong mula raw kay Father Jerry Orbos ng Diocesan Shrine of Jesus the Divine Word sa Quezon City. In-upload ito noong Jan. 5 at patuloy na kumakalat ngayon.

Pinagmukhang sinabi ni Fr. Orbos ito sa barok na Tagalog:

“Pagbabahagi ng sarili kong kwento isang napakasimpleng paraan para magkaroon ng stable na blood sugar level… Nagpasya akong sumailalim sa paggamot ng halos 3 buwan, ang aking asukal sa dugo ay unti-unting nag-stabilize sa 6.0, ang aking mga paa’t kamay ay naging komportable, ako ay kumain ng maayos, at ako ay nakakuha ng higit sa 7kg.”

Ang patotoo ay gawa-gawa lang. Ilang beses nang pinasinungalingan ng VERA Files Fact Check ang produktong Glufarelin at mga ad nito. Mismong si Fr. Orbos ay itinanggi ang kumakalat na patotoo.

Sa column niya sa Inquirer noong Jan. 14, sinabi ni Fr. Orbos na may gumagamit sa picture niya at nagsulat ng post na ineendorso raw niya ang Glufarelin para sa mga may diabetes. Hindi ito totoo. Diyos lang daw ang ineendorso ni Fr. Orbos.

“Someone used my picture and posted a written endorsement for a health product called ‘Glufarelin’ for diabetics. Not true po. I endorse only the Lord. That’s all.”

Mga palatandaan sa panloloko

Ang pekeng page na nag-post ng “patotoo” ni Fr. Orbos ay gumamit ng ilang diskarte para manloko:

  • Ang pangalan ng page ay “Fr Jerry Orbos” para magpanggap na siya ang pari. 
  • Ang profile picture ay may “blue check” para magmukhang verified. 
  • Gumamit din ito ng mga picture ni Fr. Orbos para magmukhang ineendorso niya ang Glufarelin habang nagmimisa.

Ang mga picture ay kinuha sa mga sermon ni Fr. Orbos noong 2021 at 2023 na naka-upload sa kanyang YouTube channel. Hindi binanggit ng pari ang Glufarelin.

Sa dulo ng pekeng patotoo ay may link sa pekeng Department of Health website kung saan puwedeng umoder ng Glufarelin. Ang pekeng DOH website ay nagpapanggap ding ligtas sa panganib ang Glufarelin at aprubado raw ng Food and Drug Administration.

Noong August 2023, ang FDA ay nagbabalang huwag bumili at gumamit ng Glufarelin dahil hindi ito aprubado ng FDA at puwedeng makasama sa kalusugan.

Pinasinungalingan na ng VERA Files Fact Check noon pa ang Glufarelin na kilala sa mga mapanlinlang at pekeng pagtitinda.

Ang pekeng patotoo ni Fr. Orbos ay in-upload bago ang Pista ng Itim na Nazareno. 

Ang impostor na page na Fr Jerry Orbos (ginawa noong Dec. 20, 2023) ang nag-post ng mga pekeng patotoong may kabuuang higit 16,300 reactions, 900 comments at 500 shares.


May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).


(Editor’s Note: Nakikipagtulungan ang VERA Files sa Facebook para labanan ang pagkalat ng maling impormasyon. Alamin ang iba pang tungkol sa partnership na ito at ang pamamaraan namin.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.