May mga nabigla pero marami rin ang nagsabing matagal nang dapat nagbitiw si Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng Department of Education.
Wala siyang rason na ibinigay sa kanyang pagbibitiw. Pero bakit nga kaya, at bakit ngayon lang? May kinalaman ba ito sa mga susunod na eleksyon?
Makisali tayo sa usapan nina Tress Martelino-Reyes, senior editor ng VERA Files, at Janvic Mateo, instructor sa University of the Philippines at nag-cover kay VP Sara bilang correspondent ng The Philippine Star, dito sa ikawalong episode ng Tres from Tress show.