Labag daw sa Universal Healthcare Act ang paglilipat ng halos P90 billion na excess funds ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth sa national treasury.
Sabi ng ilang senador at advocates, hiwalay ang pondo ng PhilHealth sa general fund at dapat gamitin ito para dagdagan ang benepisyo at ibaba ang kontribusyon ng mga miyembro ng ahensya.
Sa ika-11 episode ng Tres from Tress podcast, makikipagkwentuhan si Elma Sandoval, senior editor ng VERA Files, kay Dr. Tony Leachon, isang independent health reform advocate at former PhilHealth director, para malinawan ang mga bagay sa mainit na isyung ito.