Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: Roque maling datos ang binanggit sa flood control projects sa Bicol

WHAT WAS CLAIMED

Ang Bicol Region ay may P9.4 bilyong budget para sa flood control projects noong 2023

OUR VERDICT

Hindi totoo:

Ang 2023 General Appropriations Act ay nagpapakita ng P29.4 bilyong alokasyon sa DPWH para sa mga flood control project sa Bicol Region.

By VERA Files

Oct 31, 2024

2-minute read

Translate

ifcn badge

Share This Article

:

Sa pananalasa kamakailan ng Severe Tropical Storm Kristine, nagbigay si dating Palace spokesman Harry Roque ng maling pahayag sa isang Facebook (FB) post na ang Bicol Region ay mayroong P9.4 bilyon para sa flood control projects noong 2023.

PAHAYAG

Sa isang FB post noong Okt. 24, sinabi ni Roque:

“Bicol stay strong. 9.4 billion po ang flood control projects sa inyo noong 2023.

(“Bicol manatiling matatag. 9.4 bilyon po ang flood control projects sa inyo noong 2023.”)

Pinagmulan: Harry Roque official Facebook page, Bicol stay strong…, Okt. 24, 2024

ANG KATOTOHANAN

Makikita sa 2023 General Appropriations Act (GAA) na P29.4 bilyon ang kabuuang alokasyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa flood control projects sa Bicol Region, hindi P9.4 bilyon gaya ng pahayag ni Roque.

image1.png

Sa isang panayam ng mga mamamahayag noong Okt. 25, binanggit ni Sen. Joel Villanueva ang parehong halaga ng pondo mula sa pambansang budget, na pinabulaanan ang pahayag ni Roque. Sinabi niya:

Hindi po totoo yun kasi in 2023 sa DPWH alone P29.4 billion ang budget [for Bicol]. This year for Bicol Region ang budget for flood control ng DPWH ay P31.9 billion, so, 2023 and 2024 meron kang P61.42 billion na budget for flood control in Bicol Region.”

(“Hindi po totooyan kasi noong 2023 sa DPWH pa lang may P29.4 bilyong budget [para sa Bicol]. Ngayong taon, para sa Bicol Region, ang budget ng DPWH para sa flood control ay P31.9 bilyon. Kaya, mula 2023 hanggang 2024, meron kang P61.42 bilyon na budget para sa flood control sa Bicol Region.”)

Pinagmulan: Inquirer.net, Villanueva to DPWH: Where did P61.42-B flood control budget for Bicol go?, Okt. 25, 2024

Kalaunan ay nag-post si Roque ng paglilinaw, kasunod ng mga datos ni Villanueva:

“The budget for flood control projects in Bicol from 2023 to 2024 is 61 BILLION PESOS… Bicolandia can count on this much support from their leaders! Wala pong politika diyan. Katotohanan lamang.

(“Ang budget para sa flood control projects sa Bicol mula 2023 hanggang 2024 ay 61 BILLION PESOS… Makakaasa ang Bicolandia ng ganitong kalaking suporta mula sa kanilang mga pinuno! Wala pong politika diyan. Katotohanan lamang.”)

Pinagmulan: Harry Roque official Facebook page, Clarification sa sinabi kong 9.4 billion pesos, Okt. 26, 2024

Nasa ibaba ang breakdown ng flood control budget ng Bicol Region mula 2023 hanggang 2024:

Noong Okt. 8, sinabi ni Senate President Francis Escudero, na dating gobernador at kongresista ng Sorsogon sa Bicol Region, na ang mga talakayan sa plenaryo sa P6.35-trilyon na panukalang pambansang budget para sa 2025 ay isasama ang mas matinding pagsusuri sa mga alokasyon para sa mga flood control project upang matiyak ang pananagutan sa paglalaan at paggamit ng mga pondo para sa flood mitigation.


May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).


(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.