VERA FILES FACT CHECK: Pagtawag ni Rodrigo Duterte kay Pangulong Marcos na ‘drug addict’ nangangailangan ng konteksto
Ito ang unang beses na binanggit ni Duterte ang pangalan ni Marcos kaugnay ng drug abuse. Sa isang talumpati noong Nob. 18, 2021 sa Calapan City, Oriental Mindoro, sinabi ng noo'y presidente na may isang kandidato sa 2022 presidential election na gumagamit ng cocaine, ngunit hindi sinabi kung sino ang kanyang tinutukoy.







